10 Ways Paano Mag-travel With Feelings

10 Ways Paano Mag-travel With Feelings

FacebookTwitterGoogle+PinterestTumblrLinkedInStumbleUponBookmark/FavoritesBlogger PostFlipboardPocketPrint

There are many ways to travel. You can do it solo, or with your besties, or in an open trip with strangers. You can wander in a budget or in splurge mode. Or you can travel with feelings.

So paano nga ba mag-travel with hugot (The Ang Sakit Mong Magsalita, Close Ba Tayo Edition)?

1. When surfing

Una maghanap ka ng surf instructor. Wag iyong kamukha o kasing abs ng ex mo. Hindi ka makakapagfocus. Kung dadalhin ka niya sa Secret Spot, pumayag ka. Pero wag kang aasa na ikaw lang dinala nya doon. Maghintay ng alon. Darating naman din talaga ang para sa iyo. Itutulak ka nang palayo ng instructor mo. Kahit kaka-meet nyo pa lang. Maghihiwalay kayo. Don’t ever look back. Kasama yan sa life lesson. Uulitin nyo lang yan hanggang sa mapagod ka. Wag ka na rin mag-surf.

Surfing with Feelings

2. When mountain hiking

Una maghanap ka ng mountain guide. Wag ulit yung kamukha ng ex mo. Baka itulak mo lang sa summit. Okay lang naman kung sasabihan mo siyang napapagod ka na. You and the guide can work things out. Kung paano ang phasing. Kung anong direksyon ang patutunguhan nyo. Linawin mo. Pwedeng magpahinga. Pero hindi ka susuko. Magsisimula na siyang magsinungaling kapag sinabi nyang malapit na kayo sa summit. Mahihirapan ka na magtiwala. Trust issues. Rehydrate ka lang din. Punuin mo ang sarili mo kung ano ang nawala sa iyo. Pagpapawisan ka pero at least malalaman mong working din pala ang sweat glands mo other than your tear ducts. Sa lahat ng effort mo na ginawa, pagdating sa summit, walang clearing. Manghihinayang ka. Wag ka na rin mag-hike.

Hiking With Feelings

3. When booking a flight

Abangan mo yung seat sale. Sanay ka naman sa hintayan eh. Willing to wait di ba? Enter mo lang yung details. Adult. 1. Kaasar di ba? Buti na lang hindi nagtatanong ng relationship status. Hindi mo na kailangan ng extra baggage. Hindi na kaya ng eroplano yang emotional baggage mo. Hindi mo rin kailangan ng seat selector. Hayaan mo na ang tadhana na gumawa ng paraan para makatabi kung sino man ang itinakda para sa iyo. Sa payment page, piliin ang Payment Centers para may time kang mag-isip kung itutuloy mo ba kung anong na-book mo? Kung meron nga ba kayo to begin with. At dahil sa bagal mo mag-confirm, mapupunta ka sa waiting room. Parang friendzone yan. Walang kasiguruhan. Wag ka na mag-book ng flight.

Booking a Flight

4. When scuba diving

Una maghanap ka ng scuba diving instructor. Yung certified. Yung experienced. Kahit nasaktan ka ng isang certified manloloko or experienced liar. Wag ka na maghanap ng pogi. Paano yung regulator exercises mo if he will take your breath away? Galingan mo sa clearing of mask exercise. Paano kung humugot ka sa ilalim ng tubig at umiyak ka nang wagas? Mapupuno ng luha ang mask mo. Importante ang hand signals. Alam mo yan. Kung ano-ano nga naisip mo sa mga actions nya kasi you thought he’s signaling something. Pero nganga ka di ba? Kaya wag kang nganga rin sa underwater. Sobrang katangahan yan. Wag ka na lang mag-scuba dive.

Scuba Diving with Feelings

5. When traveling abroad

Una, pumili at pumila ka sa Immigration Officer na mukhang mabait o yung hindi mukhang gutom. Ipakita mo ang passport. Kung nagduda sa pagkakaiba ng photo mo sa itsura mo ngayon, sabihin mo na lang na masaya ka pa kasi sa relasyon mo nung kinuhanan ka ng litrato compared ngayon na sawi ka. Kapag tinanong ka naman kung bakit mag-isa kang aalis, sabihin mo mag-momove on ka and you need this trip to grow because relationship works with grown ups. Kapag tinanong ka nya kung babalikan mo pa, oo naman, mahal po siya di ba? Yung Pilipinas ang tinutukoy natin ha. Sa sobrang unlimited questions ng Immigration Officer, daig pa nya ang ex mong nagdududa. Wag ka nang mag-travel abroad.

Immigration Gates

6. When taking travel photos

Dahil walang naglilike sa iyo, daanin na lang natin sa dami ng likes yang travel photos mo. Lagyan mo ng maraming white space yang photos. Uso minimal. Uso rin di ba nung hinihingan ka niya ng space? Kaya nga kayo nag-cool off at hinahanap nyo mga sarili nyo sa travel dahil diyan sa space space na yan. Apply mo rin yan sa Instagram at Facebook. Mahalaga din ang tamang cropping. Lakas maka-soshal na putol na ulo or putol na hita. Kulang na lang pati relationship nyo putulin mo na rin. Instead mag-selfie, magpapakuha ka ng picture with the destination as your backdrop, then tumalikod ka. Yung parang you won’t look back na from the past. Mas may drama, mas maganda. Yung caption, biblical verse if you must. Kahit walang connection. Parang kayo. Tapos lagyan mo ng madaming relevant na hashtags, yung kasing-dami ng mga pinagsabay-sabay ng mga lintik na two-timer na yan. Wag ka na mag-upload ng photos.

Taking photographs With Feelings

7. When waterfall chasing

Mahalaga ang buddy system. Maghanap ng makakasama mo sa waterfall chase. Yung kahit every weekend nyo gawin ang activity na ito, hindi ka ma-fa-fall sa kanya. Unlike sa pag-akyat ng bundok, mas maganda yung kakaulan pa lamang para mas maganda yung bugso ng falls. Parang damdamin yan na mas nakakabuti kung ilalabas mo di ba. Wag lang babagyo. May weather apps naman diyan. Pero wag agad-agad maniniwala sa forecast. Gabay lamang sila. May sarili kang free will. Gamitin natin ito. Dahil madulas ang mga bato, baka masabi mo ring mahal mo na rin siya sa hindi tamang panahon. Hindi mo man intensyon ang mahulog, masakit kung walang sasapo. Wag ka na ring mag-waterfall chase.

Mantayupan Falls, Cebu

8. When getting around Visayas and Mindanao by public transportation

May ilang pagkakaiba ang biyahe na pampublikong sasakyan sa Visayas at Mindanao kaya nararapat alamin ang vocabulary. Kung nahihirapan ka na and you need space, “Bai, isbogi gamay”. Para hindi ka rin makasakit habang ipinagsisiksikan mo ang sarili mo. “Bai pabalhin palihug sa ubang station ang radio bi.” naman kung naririnig mo yung mga dating kanta sa radyo ni Kuya na nakakapagpalala sa nakaraan. Ang mga taxi driver sa Davao, sinusuklian ka nang sapat kung anuman yung ibigay mo. At kung nais mo nang itigil kung anong meron kayo, yung dating “Sa Tabi”, ngayon ay “Lugar Lang”. Parang dati sure ka na gusto mo sa tabi nya pero ngayon hinahanap mo na ang lugar mo sa kanya. Lugar lang. Two words pero ang sakit sakit na. Wag ka nang ring bumiyahe.

Bacolod Jeepney

9. When packing light

Una, pumili ng hard case na luggage. Yung kasing tigas ng puso mo. Gather mo lahat ng mga damit na kailangan mo saka ka pumili nang iilan. Hindi yung lahat pagsasabay-sabayan mo dahil sa needs mo. Roll mo yung mga damit. Sanay ka naman magpagulong ng mga utak. Yung maliliit na accessories, isiksik mo sa space. Parang yung nanghingi ka ng space sa akin para makapag-isip pero para lang din pala may masiksik kang iba sa pangsampuan mong puso. Magdala ng sapatos for all seasons. Hindi yun iba iba ang ginagamit mo kaharap ang ibang tao. Pero bawal ang masyadong pabigat sa eroplano tulad mo. Wag ka nang mag-empake.

Traveling Light

10. When you’re poor

Hindi kailangan maging mayaman para mag-travel. Gawin mo lang ito na priority. Bagay na hindi mo magawa para akin, ang gawin akong priority mo. Kapag may bagong gadget na dumadating, hindi mo dapat pinagpapalit kung anong meron ka. Makuntento kahit mahirap para sa iyo iyon. Try couchsurfing. Sisiw na sa iyo ang meeting new people. Napapaibig mo pa nga eh. Try voluntourism. Eto magagamit mo yang puso mo genuinely in good use. Huwag lang pa-fall sa kapwa volunteers. Kung ganoon ka rin naman, wag ka na mag-travel.

poortraveler

More in List of Likes and Lifehacks, Live. Love. Laugh.
Racuh-a-Payaman
50 Reasons Why Visiting Batanes Should Be In Your Bucket List

The flight booking game for Batanes is so strong during the SkyJet Airlines seat sale in a recently held travel exposition in Manila. Even though the gates at the venue were not yet opened, the line stretched with length as long as the blockbuster queue we see in December film...

Close