the super nazty portal of jonas roque
25 Dec
Previously on Top 9 of 2009:
Top 9: Pixar’s Up
===
It was my second time to quit my job.
Pinagsabihan na ako ng parents ko at ng kapatid ko na huwag akong mag-resign dahil nga wala naman akong problema sa management at mas malaki naman ang kinikita ko di hamak dito kaysa sa unang trabaho. Nalaman din nila na dahil ako’y babalik sa UP para mag-aral. Hindi dahil sa tutol sila sa pag-aaral (ngunit hindi pa rin nila alam kung paraan saan pa ang masters) ngunit hindi sila kumbinsido kung kakayanin ko ba at nila na hindi ako kumikita sa loob ng 18 buwan.
Ang pagbabalik sa UP ang sinabi kong dahilan sa aking manager at sa aming president. Mabait talaga sila. Natawa na lang din ako nung sinabi ng presidente ng kumpanya namin na hindi naman niya kinailangan yung masters degree para sa posisyon na meron siya ngayon. LOL. Mukhang alam niya kasi na gusto ko ang posisyon nya pero sa sariling kumpanya ko. Ang manager ko naman ayaw talaga ako paalisin. Gumagawa siya ng paraan para manatili ako pero buo na rin kasi ang loob ko.
Hindi ako masyadong nahirapan sa desisyon kumpara sa unang pagbitiw ko.
I haven’t been so attached to my officemates because I felt I was backstabbed every day. If there were few good persons in the office that I became friends with, it is because we have mutual respect to each other. But I haven’t opened up so much to them either. One can blame me for not adapting to the environment well but I’ll tell you, I tried all socializing skills that I know and it won’t simply work to some of them.
Nakita ko rin kasi kung paano nila apihin (totoo, apihin is an understatement) yung iba kaya alam kong ginagawa rin nila sa akin yun patalikod. Ayaw kong ipagsiksikan ang sarili ko lalo na sa kanila.
Tulad ng nasabi ko kanina, wala akong problem sa management. Hindi ko mareklamo kaya naappreciate ko kung ano yung mga ginagawa nila kahit yung ilan ay naghihimutok na. Hindi rin ako sipsip dahil hindi ko kailangan nun. Wala lang talagang perfect working place.
Malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil nagkaroon ako ng pagkakataon para mag-part-time MS CS. Nakakapasok ako sa mga klase kung gusto ko. Hindi naging hadlang ang trabaho maliban na lamang ang layo ng opisina. Mall of Asia tapos Diliman. Stress.
Pero dahil na rin sa pagbabalik sa UP, kaya mas naisipan ko na lang na mag-full-time.
This resignation is the sweetest freedom ever. Iba talaga kapag malaya ka na.
===
At ang susunod sa aking listahan ay “Family Affairs”.
Possibly Related Posts:
Leave a reply