Tradisyon na kasi ito!

Now on its third year, it’s the time once again for the annual recap! Top 9 of 2009 is my countdown of the bests and worsts of the year. Unlike the previous year-end countdowns, 27 for 2007 and 28 for 2008, I’ll be listing only few stuff. However, since these 9 are the biggest influences of 2009, they are worth one blog post each.

And for the first entry, flying high on the ninth spot is Pixar’s UP or the movie date that happened.

Laking gulat niya at lahat ng mga kaibigan namin na ako pala si Mister Yoso. Marahil inisip nila na hindi na ako makakapagpatuloy sa aking buhay pag-ibig. Subalit heto na nga kahit galing sa kasawian ay sinubukang mangharana muli.

I was sending C some ‘tokens of appreciation’ anonymously through the help of my bestfriend. One gift a week. And to finish this mystery files game, I found Pixar’s UP movie date to be the perfect time to reveal the identity of her secret admirer.

Eto na nga ang plano sa gabing iyon. Sinakyan ko ang trip ni Carl Fredicksen sa kanyang mga lobo. Naghanap naman ako ng sandamakmak na lobo, iba-iba ang kulay at hugis, kasama ng mga paborito nyang bagay tulad ng Eraserheads, Gossip Girl at ni Rihanna. Ang mga nakakasalubong at nakakatabi ay tinatanong ako para saan, para kanino. Kinikilig din sila. Kaya naniwala ako na may pag-asa ang gimik.

Sa Starbucks kami nagkita. Parang eyeball lang. Awkward lang ng tagpo. Pero nandito na eh. Wala ng atrasan. Akala ko aatras siya dahil sa trabahong nakatambak sa opisina. Pero masaya ako at natuloy rin.

Maganda talaga ang UP kahit pangalawang beses ko na siyang napanood. Telesync downloaded version naman kasi yung una. Saka mas mahalaga ngayon, kasi kasama ko siya. Ayun eh. Nag-enjoy naman siya, kasi tumatawa siya sa parts na dapat siyang tumawa.

Natapos ang movie. Natapos din ang date. Kasi nga isingit lang naman itong surprised date. Meron talaga siyang affair with her friends and her family.

Natapos din ang pag-asa na umusbong ang isang love story after that night. Ramdam ko na nawala o hindi napantayan ang kilig na dala nung mystery effect compare after the revelation. O dahil hindi pa talaga siya handa magmahal ulit.

Ano ang impact nito sa 2009 sa akin? (1) Eh di single na naman! Not that I’m complaining, masaya naman kaya ang stage na ito! Alone but not lonely… (2) Ayoko na muna. May rupture point din ang puso.

Tapos. The End. Ah-Uhm.

On #8 is my resignation. Pero bukas na lang ulit.

Possibly Related Posts: