From Marianas Trench With Love: 143 Travel Hugot Lines

FacebookTwitterGoogle+PinterestTumblrLinkedInStumbleUponBookmark/FavoritesBlogger PostFlipboardPocketPrint

Dorm Type

84“Puro na lang kailangang mauna sa pag post ng travel blog. Update sa social media. Maayos ang SEO. Pataasin ang PageRank. Mabuti pa nung nagsisimula ka pa lang. Natatakot na ako ngayon.”
Blog lang pinagseselosan mo. Ano bang ikinakatakot mo?
“Takot ako na kapag ni-Google ko kung sino ang mahal mo, wala na ako sa top results?”

85“I want my photos to be in the cover of NatGeo. To exhibit my shots in a world tour. Ikaw, anong pangarap mo?”
Simple lang. To picture us together. Forever.

86“Book me a flight to your heart. Diyan na lang ako. One-way. Walang balikan.”
I thought you’ll never ask… Matagal ka ng naka-webcheckin dito.

87“Relax. You. Look. at Me. Breathe. Good. Madali lang di ba?”
Juice Colored. Anong madali sa scuba dive? Hindi ako maka-concentrate! You’re taking my breath away!

88 Lakas makayaman ng Maldives. Wagas din makahirap. Tipid tipid din pag may time. Pag-ibig na lang ang bumubuhay sa akin ngayon.

89 I am thinking if my outdoor experiences would be better with a GoPro or be better with you.

90 Hindi pwedeng ganito na lang tayo palagi. Kung kelan mo lang gusto. Kung kelan ka lang bored. Hindi ako travel agent.

91 Kasama ba ang puso sa travel insurance? Avail ko sana.

92 Kapag nagmahal ka, inallow mo rin na masaktan ka. Travel package yan friend.

93 Kalimutan mo na siya. Do what good mountaineers do. Leave no trace.

94 “Anong gimik yan sa ulo mo? May pabandana-banda ka pang nalalaman. May sugat ka bang tinatakpan sa ulo?”
Kapag bandana, may tinatakpan agad na sugat. Eh di sana may bandana na itong dibdib ko.

95 Yang ganyang kalaking emotional investment. Non-refundable. Pero pwedeng transferable. With additional cost pa rin syempre. Pero at least hindi nasayang ang pagmamahal mo.

96 Bullshit ang “Love is in the air”. Walang forever. Walang pagmamahal. Cup noodles lang ang mahal sa airplane na ito.

97 Di man lang ako na-inform. Dating travel app na pala ang Instagram. Instameet pa more. Community thirst.

98 Yang “More Fun in the Philippines” gawin nating “More Love in the Philippines. Ask me how.

99 PH Mountains app. Check.
VSCO Cam. Check.
Tinder. Check na check.

Stargazing

100 “Ang dami mo na siguro napuntahang simbahan for the first time. Ang dami mo na ring na-wish”
Iisa lang. “Lord, pag-ibig naman.”
“Wala man lang sign of the cross, pag-ibig kaagad.”
*sign of the cross* Lord, pag-ibig naman please.”

101 Yung passenger na nasa window seat gets the view. Yung nasa aisle gets to go to lavatory effortlessly. Yung nasa gitna gets two arm rest. Love is designed that way. You’ll get what you deserve too.

Mobile apps

102 Nagtrail run lang syang naka-shirtless sa bundok, nainlove ka na naman.

103 Picture perfect travel photo tapos caption nya quotes and verses. Ganyan kami. Walang connection.

104 Nakakapagod itong Cave Connection. Gusto ko na kumain. Gusto ko na matulog. Gusto na rin kita.

105 “Maghahanap ng pag-ibig sa travel. Tapos masasaktan. Eh ginusto mo yan.”
At hindi nya ako ginusto.

106 This is it, Ati-atihan! Weather app says Cloudy with a chance of love life. Go go go!

107 Isa pa yang travel journal. Pag-iipunan. Pag-aalayan ng panahon. Pero ilang buwan lang babale-walain lang.

108 Niyaya ka lang mag-stargazing, kinilig ka na?

109“Sinong OPM artist ka ba pag nagtatravel?

Moonstar 88 na pagod na -
Nalilito. Nahihilo
Asan ba ako sa iyo? Aasa ba ko sa iyo?

O si Sarah Geronimo na -
Gagawin ko ang lahat upang
Sa huli sa huli sa huli ay tayo
Kung kelangan tahakin ko ang
Kilome- kilome- kilometrong layo”

Gusto ko kasing-simple lang ng Eraserheads. Magda-drive ako hanggang Baguio. Titikman ang langit. Ang alapaap. Gusto mo bang sumama?

110“Mam, iwan nyo po yung name saka yung contact number nyo sa logbook”

Hihingin mo pangalan ko and yung number ko. Tapos magiging textmates tayo. Magiging mag-jowa tayo. Tapos mag-aaway tayo. Maghihiwalay. Aakyat ako ng bundok para makalimot. Tapos magtetext ka ng – Baba ka na babe, hindi na ako galit. Tapos may darating na bago sa buhay ko para hingin ulit ang pangalan at ng contact number ko. Ayoko. Ayokong ibigay ang pangalan at cellphone number ko.

Tinuyan Falls

<< Wait Lang. Back to Page 3 Rub It In. Go to Page 5 >>